^

Bansa

IT fee sa mga pampasaherong sasakyan ililibre ng PETCs

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Bilang tugon sa panawagan ni LTO Chief Virginia Torres na maibaba ang bayarin sa LTO ng publiko, minabuti ng apat na PETC IT providers na ilibre ang IT fee sa mga pampasaherong sasakyan kapag napahinto na ang direct connectivity ng Stradcom.

Ito ang pinangako ng PEtc IT providers na ETC IT, Eurolink, Cyberlink at RDMS sa harap ng isang forum ng mga PETC na pinangunahan ni Torres., LTO Exec Dir. Ricky Alfonso, DENR Management Environmental Bureau Chief Atty. Miguel Cuna, Gene Rosete, Chief Air Quality Managet Div. ng DENR sa Bulwagang Edu LTO main East Avenue QC.

Kaugnay nito, inanunsyo din ni Torres na irerevoke niya ang permit to operate ng mga Petc owners na mapapatunayang nagsagawa ng non-appearance testing mula sa unang araw niya sa LTO, noong Hulyo 12 hanggang sa kasalukuyan. Ang mga ebidensiya anya ng mga uploads ng mga Petcs ay arawang naisa-submit sa LTO PETC monitoring committee at dito nila malalaman kung ang isang Petc ay nagsagawa ng n-a testing.

Nangako naman ang mga Petc owners na kapag nangyari ang lahat ng ito, gagawin nilang P300 ang emission test sa mga private cars, P250 sa mga pampasaherong jeep at P100 sa mga tricycle.  

vuukle comment

BULWAGANG EDU

CHIEF AIR QUALITY MANAGET DIV

CHIEF VIRGINIA TORRES

EAST AVENUE

EXEC DIR

GENE ROSETE

MANAGEMENT ENVIRONMENTAL BUREAU CHIEF ATTY

MIGUEL CUNA

PETC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with