^

Bansa

Inagurasyon ni Pnoy idineklarang holiday

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na special non-working holiday ang June 30 na inagurasyon ni President-elect Benigno Aquino III.

Sinabi ni PMS chief Elena Bautista, nilagdaan na ni Pangulong Arroyo ang rekomendasyon ni Executive Secretary Leandro Mendoza na ga­wing holiday ang June 30 upang masaksihan ng taumbayan ang pagsasalin ng kapangyarihan ni Mrs. Arroyo kay Aquino at ang panunumpa ni PNoy bilang ika-15 Pa­ngulo ng bansa.

Manunumpa si PNoy kay SC Associate Justice Conchita Carpio-Morales gayundin si VP-elect Jejomar Binay na naunang nagsabing gusto niyang manumpa kay SC Chief Justice Renato Corona.

Gaganapin ang inagurasyon ni PNoy sa Quirino Grandstand sa Maynila kung saan ay magkasabay na darating sina Aquino at Arroyo sakay ng presidential car.

Matapos manumpa ni Aquino ay aalis na si PGMA sakay ng kanyang pribadong sasakyan pauwi sa kanilang tirahan sa La Vista subdivision sa QC.

Magkakaroon naman ng inaugural Cabinet meeting si Aquino sa Malacanang kasunod ng reception kung saan ay imbitado ang Diplomatic Corps.

Inagurasyon ni Pnoy idineklarang holiday.

vuukle comment

AQUINO

ASSOCIATE JUSTICE CONCHITA CARPIO-MORALES

BENIGNO AQUINO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DIPLOMATIC CORPS

ELENA BAUTISTA

EXECUTIVE SECRETARY LEANDRO MENDOZA

JEJOMAR BINAY

LA VISTA

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with