^

Bansa

Hirit sa AFP: Querubin payagang makadalo sa 'miting de avance'

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng Nacionalista Party (NP) kay AFP Chief of Staff Gen. Delfin Bangit na payagang makalabas ng kulungan sa loob ng dalawang araw para makadalo sa ‘miting de avance’ ng partido ang detenidong si senatorial candidate ex-Colonel Ariel Querubin.

Kahapon ay pormal na isinumite ni Atty. Adel Tamano, kasamahang senatoriable ni Querubin at spokesperson ng partido ng NP, ang isang petisyon kay Bangit.

Sinabi ni Tamano, simula ng campaign period noong Pebrero 9 ay hindi pinahin­tulutang makalabas ng kulungan sa  Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) si Querubin para makapangampanya.

Tiniyak ni Tamano na hindi tatakas ang kaniyang kliyente at mangangampanya lamang sa 2 araw na miting de avance ng NP para makilala at makapagpakita pa ito sa mga botante kahit sa napakaikling sandali.

“Under may lawyer’s oath , I undertake to insure that Col. Querubin shall not flee or go into hiding but shall after attending the miting de avance, go back to his detention center.

Uuna ng pinayagan ng AFP na makalabas ng kulungan si Querubin para ma­kaboto sa bayan nito sa La Union sa darating na Mayo 10.

Ang miting de avance ng NP ay isasagawa sa Marikina City sa Mayo 7 mula alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi at sa Quezon City sa Mayo 8 ng parehong oras.

Si Querubin ay kabilang sa mga opisyal at miyembro ng Philippine Marines na nasangkot sa bigong kudeta noong Pebrero 2006.

vuukle comment

ADEL TAMANO

CHIEF OF STAFF GEN

COLONEL ARIEL QUERUBIN

DELFIN BANGIT

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

LA UNION

MARIKINA CITY

NACIONALISTA PARTY

PEBRERO

PHILIPPINE MARINES

QUERUBIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with