^

PSN Palaro

Knott, Cray nagpalakas ng tsansa sa Olympic spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalakas nina Filipino-Americans Kristina Knott at Eric Cray na makapasok sa Paris Olympics matapos makasungkit ng gintong medalya sa 2024 Harry Jerome Track Classic na ginanap sa Burnaby, Canada.

Naglatag ng matikas na porma ang Southeast Asian Games champion na si Knott upang matamis na kubrahin ang gintong medalya sa women’s 100m dash.

Naorasan si Knott ng 11.64 segundo para makuha ang unang puwesto.

Tinalo si Knott si Canadian Victoria Mcintyre na nagkasya lamang sa pilak tangan ang 11.94 segundo.

Pumangatlo ang kaba­bayang si Zion Corrales Nelson na naglista ng 11.95 se­gundo.

Nagdagdag pa ng isang tanso si Knott mula sa women’s 200m dash.

Nagrehistro ito ng 23.42 segundo para magkasya sa ikatlong puwesto.

Nagparamdam din ng lakas ang six-time SEA Games champion na si Cray sa men’s 400m hurdles.

Nakuha ni Cray ang ginto matapos magtala ng 49.95 segundo.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
4 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with