^

PSN Palaro

Serye isasara ng Celtics

Pilipino Star Ngayon
Serye isasara ng Celtics
Muling babanderahan nina star guards Jayson Tatum at Jaylen Brown ang Celtics kontra sa Mave­ricks sa Game Five ng NBA Finals.

BOSTON — Ang pi­na­kaayaw ng Celtics ay ang natatalo sa isang laro.

Kagaya ng kanilang 84-122 kabiguan sa Dallas Mavericks sa Game Four ng NBA Finals na du­miskaril sa tangka nilang 4-0 sweep.

“We don’t like to lose,” sabi ni Celtics guard Jaylen Brown bago ang kanilang team practice kahapon. “I think we are ready for Game 5. I think that’s the best answer that I’ve got. I think that we’re ready. We’re at home. And we’re looking for­ward to it.”

Muling susubukan ng Boston na isara ang kanllang best-of-seven championship series ng Dallas sa Game Five ngayon sa balwarte nila.

Nauna nang ipinoste ng Celtics ang malaking 3-0 lead sa serye bago na­kahirit ang Mavericks sa Game Four sa kanilang homecourt.

Sa NBA history ay wala pang tropang nakakaba­ngon mula sa isang 0-3 de­ficit at naipanalo ang serye.

Ang pagkatalo sa Game Four ang tumapos sa franchise-record na 10-game postseason winning streak ng Boston.

Hangad ng Celtics na makamit ang NBA record na ika-18 korona at kauna-unahan sapul noong 2008.

“We would love to win — more than anything,” wika ni Boston star Jayson Ta­tum. “But if it doesn’t happen, it’s not the end of the world. We have more opportunities.”

Kung muling mananalo ang Dallas ay sila ang mamamahala sa Game Six sa Biyernes.

At ayaw itong mangyari ni Brown.

“We are at the precipice of completing what we set out to do at the beginning of the season. So I think it’s not difficult to get everybody in that locker room on the same page right now.”

Sa kabila ng mga inju­ries ay patuloy pa ring gigiyahan ni Luka Doncic ang Mavs.

“At this point in the season, a lot of things going on,” wika ng Slovenian point guard. “If I’m pla­ying, I’m fine. No worries.”

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
5 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with