^

Bansa

Pagsasalin ng poder tiniyak ni GMA

-

MANILA, Philippines -  Tiniyak kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na isasalin niya nang maayos ang gobyerno sa susunod na presidente ng bansa sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 30.

Sa kanyang pagdalo sa  ika-113 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bo­nifacio, nagpasalamat ang Pangulo sa mga sundalo na sa loob ng siyam na taon niyang panunungkulan sa gitna ng krisis at kabutihan ay sinuportahan siya.

Siniguro din ni PGMA na kagustuhan niyang makamit ang payapa, maayos at malinis na eleksyon.

Samantala, tiniyak kaha­pon ni First Gentleman Mike Arroyo na tutulong ang Unang Pamilya sa pangangampanya ng Pangulo sa pagtakbo nito bilang kongresista.

Sinabi ng Unang Ginoo na baka sila na lamang ang mangampanya para kay Pangulong Arroyo sa Pampanga dahil itutuon nito ang kanyang panahon sa ‘governance’. (Rudy Andal)

vuukle comment

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

FORT BO

PAMPANGA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE ARMY

RUDY ANDAL

UNANG GINOO

UNANG PAMILYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with