^

Bansa

Mag-amang Ampatuan idiniin ng witness

-

MANILA, Philippines - Iginiit ni Ampatuan Vice Mayor Datu Rasul Sangki sa ikalawang araw ng paglilitis sa kaso ng Ma­guindanao massacre, na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., ang bumaril sa mga biktima noong Nobyembre 23, 2009.

Isiniwalat ni Sangki sa korte na inutusan si Am­patuan Jr. ng kanyang amang si dating Maguin­danao Governor Andal Am­patuan Sr., para pata­yin ang mga biktima at narinig din niyang inutusan ng una ang mga miyembro ng Civilian Volunteers Organization na ratratin ang mga biktima at tiyaking patay lahat ito.

Sa katunayan, inata­san pa aniya siya ni Ampa­tuan Jr., na tumulong sa panghaharang sa convoy ng mga biktima sa pangu­nguna ng asawa ni Vice Mayor Esmael “Toto” Ma­ngudadatu na si Genalyn.

Idinagdag pa nito na nakikipagsabuwatan sa pamilya Ampatuan ang mga tiwaling pulis sa Maguindanao at bago pa isagawa ang massacre ay ilang araw ng nahukay ng backhoe ang mass grave sa Brgy. Salman, Ampa­tuan, Maguindanao.

Maging ang pagma­makaawa ng reporter ng Midland Review na si Jimmy “Pal-ak” Cabillo kay Ampa­ tuan Jr., na huwag siyang patayin dahil sa pagiging “bread winner” ng pamilya ay hindi rin nito pinakinggan.

Nakita din nito kung paano ratratin ni Datu Kanor Ampatuan at mga tauhan nito ang mga bik­tima kahit patay na ang mga ito at inililibing na sa mass grave.

Dahil sa kalunos-lunos na pahayag ni Sangki ay napilitan ng lumabas ng courtroom si Mangu­da­datu.

Si Sangki ay isang ma­la­yong kamag-anak ng mga Ampatuan pero may mga kamag-anak rin sa mga Mangudadatu.

Kasunod nito, pinaga­gawa na ng plano ni BJMP Director Rosendo M. Dial si BJMP National Capital Region Director, C/Supt. Serafin P. Bar­retto Jr. para maging handa sa mga Am­pa­tuans sa oras na iutos ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 na ilipat na dito ang mga suspects sa massacre.

Aniya, posibleng ang apat na palapag ng cradle facility ang gagamitin bilang temporary jail facility ng Ampatuans dahil isa ito sa mga ligtas na pasi­lidad sa NCR kaya naman sisimu­lan na rin ang pag-iinspek­siyon dito at na­ nganga­ilangan na lang ng CCTV cameras para ma­monitor ang mga suspects 24-oras.

Hinihintay na lang din ang go signal ng Supreme Court para sa “tele-hearing” kung saan ito ay al­ternatibong pamama­raan sa pagdinig sa kaso kung saan hindi na kina­ka­ila­ngan pa na dalhin ang mga ito sa korte. (Joy Cantos/Ricky Tulipat)

vuukle comment

AMPA

AMPATUAN

AMPATUAN VICE MAYOR DATU RASUL SANGKI

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

DATU KANOR AMPATUAN

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

DIRECTOR ROSENDO M

GOVERNOR ANDAL AM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with