^

Bansa

5 pang lalawigan 'hotspot'

-

MANILA, Philippines - Lima pang lalawigan ang nadagdag sa talaan ng mga election hotspot para sa nalalapit na 2010 national elections.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Director General Jesus Ver­zosa, ang mga lalawigan ng Lanao del Norte, Sa­rangani, Zamboanga Si­bugay, Antique at Eastern Samar ay kasama sa mga lugar na kinakailangan ban­tayan ng pulisya, AFP at Comelec, kaya naman itinatag ng mga ito ang Joint Security Control Center.

Dumalo sa nasabing pagpupulong si Verzosa, Comelec Chairman Jose Melo, AFP Chief of Staff Gen. Victor Ibrado. Layon ng mga ito na matiyak ang Honest, Orderly and Peaceful elections.

Una ng tinukoy ng PNP ang mga lalawigan ng Abra, Masbate, Maguin­danao, Nueva Ecija, Ba­silan, Sulu, Lanao del Sur, Western Samar at La Union na hotspots.

Kasama sa tinalakay sa naturang pagpupulong ang paglalansag ng private armies ng mga kilalang political warlords, paglala­tag ng mga checkpoints sa bawat lungsod at munisi­palidad, pagtatalaga sa PNP at AFP bilang mga se­cu­rity detail ng mga kan­didato at ang seguridad sa election.

Nagbabala din si Ver­zosa na sasampahan ng paglabag sa Omnibus Election Code lalo na ang gun ban, ang sinumang ma­huhuling lalabag dito kung saan ipinatupad ito noong Enero 10 at matata­pos sa Hunyo 10, 2010.

Mahigpit din baban­tayan ang 118 lugar sa ARMM o ka­buuang 558 lung­sod at munisipyo bukod pa ang 440 lugar sa ibang bahagi ng bansa na isasailalim sa watchlist.

Masusi din babantayan ng pulisya ang labanan sa pulitika at ang mga miyem­bro ng NPA, Abu Sayyaf, MILF at ma­ging ang iba pang mga Private Armed Groups. (Joy Cantos)  

vuukle comment

ABU SAYYAF

CHIEF OF STAFF GEN

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

DIRECTOR GENERAL JESUS VER

EASTERN SAMAR

JOINT SECURITY CONTROL CENTER

JOY CANTOS

LA UNION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with