^

Bansa

Ultimatum kay Bato tapos na!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagtatapos ngayong araw sa ultimatum sa pagsuko ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, muli pa rin itong hini­mok ng Philippine National Police (PNP) na sumuko upang maiwasan ang anumang gulo o karahasan.

Ayon kayPNP Public Information Office chief Col. Allen Rae Co, ang pagsuko ang tamang gawin ni Dela Rosa upang mapanatili ang dignidad nito.

“Tapusin natin ito nang may dignidad sa panig mo,” ani Co.

Ayon kay Co, patuloy ang paghahanap kay dela Rosa, kabilang ang pagtanggap ng mga impormasyon mula sa publiko sa pamamagitan ng mga hotline na inilunsad ng PNP.

Sinabi rin ni Co na pinag-aaralan din nila ang pagpapalabas ng wanted poster. Marami pa ring lugar ang hindi lubusang nakakakilala
 sa Senador.

Nilinaw din ni Co na ang P50 milyong pabuya ay tip para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagdakip kay Dela Rosa at hindi pahintulot para sa mga sibilyan na personal itong arestuhin.

Pinaghahanap si Dela Rosa kaugnay ng warrant ng International Criminal Court (ICC) sa mga alegasyon ng krimen laban sa sangkatauhan na may kaugnayan sa kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Ipinaliwanag din ni Co kung bakit itinuring ng PNP na armado at mapanganib ang senador. Ayon sa opisyal, mayroon umanong mahigit 90 baril si Dela Rosa at patuloy itong umiiwas sa pag-aresto.

Sa kabila nito, sinabi ni Co na iginagalang ng PNP ang karapatan ng senador na maghain ng mga legal na argumento, ngunit tiniyak niyang magpapatuloy ang operasyon habang naninindigan ang mga awtoridad na may bata­yan ang pag-aresto rito.

Nitong Lunes ay ipinakalat ng mga miyembro ng Akbayan Youth ang wanted poster ng tinawag nilang international fugitive at accused mass murderer na si Bato sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa Quezon City. Nakalagay sa naturang poster ang mga katagang “WANTED” for crimes against humanity, Bato Dela Rosa surrender to the ICC now!”

RONALD DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with