CEB, PAL umapela sa 'bird strike'
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Cebu Pacific at Philippine Airlines sa mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Manila International Airport Authority na bigyang pansin ang tumataas na bilang “bird hazards” sa mga paliparan sa bansa.
Ayon kay CEB Director of Safety Capt. Felipe Timola Jr., tumaas ang bilang ng nasabing insidente kung saan noong 2008 ay 14 kaso lang nito ngunit umakyat ito sa 54 noong October 2009. Ito din aniya ang nagiging dahilan ng pagkaantala ng flight o kanselasyon nito.
Anila, ang mga paliparan sa Manila, Iloilo at Puerto Princesa ang may pinakamaraming insidente ng bird strike sa taong ito. Kabilang din dito ang Bacolod, Cebu, Clark, Kalibo at Ozamiz.
Dinaluhan din ng ilang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang naturang miting. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending





















