^

Bansa

RP no. 2 sa may pinakamaraming basura sa karagatan

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Pumapangalawa na ang Pilipinas sa may pi­na­karaming basurang na­kuha sa karagatan base sa ulat ng Ocean Conservancy Organization na naka-base sa Amerika.

Nanguna sa listahan ang Estados Unidos at ikatlo ang Costra Rica.

Kaugnay nito, isinu­long ni Senator Ramon “Bong” Revilla ang Senate Bill 777 na nagla­la­yong ikulong ang sinu­mang magtatapon ng solid, toxic, hazardous o kahit na domestic garbage sa dagat, beach, ilog, at iba pang daanang tubig sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon sa Ocean Conservancy, may 1,355,236 piraso ng basura ang na-recover mula sa mga bahagi ng karagatan at baybaying-dagat ng Pili­pinas sa kanilang isina­gawang International Coastal Clean-up noong Setyembre ng nakaraang taon. Nanguna sa lista­han ang Estados Unidos sa pinakamaraming ba­surang nakuha, na uma­bot sa 3,945,855 piraso. Ikatlo ang Costa Rica na may 1,017,621 piraso.

Nanguna sa talaan ng mga trash items na naku­ha mula sa mga karaga­tan ng Pilipinas ay mga plastic bags (679,957 piraso), paper bags (253,013) at food wrappers (103,226).

Nakalap rin ang 38,394 piraso ng damit at sapatos, 55,814 tobacco-related items kabilang ang mga upos ng sigarilyo (34,154), lighters at kaha, gayundin ang 11,077 diapers.

Sinabi ni Revilla na maliwanag na ginawa ng “open dumpsite” ang ka­ragatan dahil sa kawalan ng batas na maaaring ipataw sa mga nagta­tapon ng basura.

vuukle comment

COSTA RICA

COSTRA RICA

ESTADOS UNIDOS

INTERNATIONAL COASTAL CLEAN

NANGUNA

OCEAN CONSERVANCY

OCEAN CONSERVANCY ORGANIZATION

PILIPINAS

REVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with