^

Bansa

P1.4 bilyong heavy equipment project sa NIA pinatitigil

-

Hiniling ng grupong “Public Taxpayers” na pigilin ang napipintong awarding ng P1.4 bilyong halaga ng “heavy equipment” project ng National Irrigation Administration (NIA) dahil sa hinalang may anomalya sa bidding.

Sinabi ni Atty. Rex Boni­facio sa kanyang liham sa Department of Agriculture (DA) na may petsang Enero 22, 2009 na “inelligible” umano ang pinapaborang mga “bidders” ng bidding committee ng NIA. 

Sa nakuhang doku­mento sa Securities and Exchange Commission (SEC), nadiskubre na wala umanong kakayahan ang isa sa dalawang bidders para lumahok sa proseso.

Nabatid na ang nana­long bidder ay tatanggap ng “Approved Budget Contract (ABC)” na nagkaka­halaga ng P1.4 bilyon para sa pagsu-suplay at deli­very ng 208 units ng “hydraulic excavators” at 15 units ng “truck tractors” na may kapasidad na 25 tone­lada sa NIA na gagamitin naman sa restorasyon ng mga irigasyon at kanal sa buong bansa.

Sa ilalim umano ng Government Procurement Reform Act, kinakailangan na ang isang bidder para manalo ay nakapag-suplay na ng parehong equipments na katumbas ng kalahati ng halaga ng ABC para masabing kuwali­pikado at may kakayahang maisuplay ang mga kaga­mitan.

Lumilitaw sa doku­mento ng SEC na ang isa sa hindi pinangalanang mga bidder ay nagawang makapagdeliver sa naka­raang transaksyon nito noong 2004 ng heavy equip­ments na may hala­gang P228.5 milyon sa­mantalang ang isa pang bidder ay nagawang ma­ka­pagdeliver ng P154.3 milyong halaga ng heavy equipments noong taong 2000.  

Dito lumalabas na wala pa sa kalahati ng tinatarget na P1.4 bilyong ABC ang naideliber ng mga ito.

Nanindigan naman si DA Undersecretary for Ope­rations Jesus Manuel Paras na walang iregula­ridad sa kanilang bidding process at lahat ay du­maan sa pag-apruba ng kanilang board. (Danilo Garcia)

APPROVED BUDGET CONTRACT

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GOVERNMENT PROCUREMENT REFORM ACT

JESUS MANUEL PARAS

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PUBLIC TAXPAYERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with