^

Bansa

Reporma sa PNP sinimulan ni Verzosa

-

Halos tatlong buwan pa lang siya sa kanyang puwesto bilang hepe ng Philippine National Police, unti-unti nang naki­kita ni Police Director Ge­neral Jesus A. Ver­zosa ang resulta ng kanyang malawakang programa tungo sa tu­nay at makabuluhang pagbabago sa hanay ng kapulisan.

Sa pagnanais na pagtibayin ang respeto ng taong-bayan sa ba­wat kinatawan ng PNP at palakasin ang res­peto sa tsapa na kani­lang dinadala sa anu­mang oras, pinasimu­lan ni Verzosa ang malawa­kang hamon sa mga ta­uhan ng PNP na mag­pursigeng mamuno upang mas mabilis na makamit ang kanyang adhikaing makabulu­hang pagbabago para sa kapulisan.

Ang tunay at maka­buluhang pagbabago na isinusulong ni Ver­zosa ay pinasimulan niya sa pamamagitan ng siyam na mga pro­grama na tugma lahat sa kanyang hamon sa kapulisan.

Kabilang dito ang patuloy na pagbabago mula sa pambansang liderato hanggang lo­kal na antas ng PNP; ang pagbibigay-daan sa patuloy na pagsibol ng mga makabagong mga pinuno sa hanay ng ka­pulisan; promosyon sa simbolo ng tsapa ng PNP; pagtugon sa mga serbisyong kinakaila­ngan ng mga pulis at ng kanilang mga pamilya; mahusay na panga­nga­laga sa mga tauhan ng kapulisan; pagpapala­kas ng serbisyo ng ka­pulisan sa larangan ng pagbabantay at im­bestigasyon; pagbibi­gay-daan sa partisipas­yon ng publiko sa tra­baho ng kapulisan; pag­bibigay-galang sa kara­patang pantao; at ang pakikipag-tulungan sa mga grupong may ma­bu­buting hangarin. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

JESUS A

KABILANG

KAPULISAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE DIRECTOR

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with