^

Bansa

Justices ng CA nagkainitan sa ‘suhulan’

-

Nagkainitan ang mga mahistrado ng Court of Appeals (CA) sa pagpa­patuloy ng pagdinig ng binuong panel ng Supreme Court (SC) tungkol sa isyu ng suhulan sa nasabing korte.

Ito’y matapos na si­mulan nang isalang ng panel sa witness stand ang mga Justices na idi­nadawit sa bribery scandal at isailalim sa cross examination.

Dahil walang mga abogado, naging direk­tahan ang pagtatanong ng mga mahistradong inaakusahan at nag-aakusa sa isat-isa na madalas na nauuwi sa personalan.

Unang sumalang sa witness stand si CA Justice Jose Sabio na agad na isinailalim sa cross examination ng mahis­tradong inaakusahan niya ng iregularidad na si Justice Vicente Roxas.

Halos magkapikunan ang dalawa nang bang­gitin ni Sabio na tanging si Roxas lamang ang personal na nagbibitbit ng mga rollo ng kaso sa halip na ipagkatiwala ito sa kanyang staff.

Nagkainitan rin sa cross examination sina Sabio at Justice Edgardo Cruz na naging dahilan para pagsabihan na sila ni retired SC Justice Ro­meo Callejo, miyembro ng panel, na maging sibil sa isat-isa.

Ipinaalala pa ni Callejo na pare-pareho silang mga mahistrado ng CA kung kayat dapat silang magrespetuhan dahil kahit na ang mga kara­niwang testigo at abo­gado sa kailangang mag­bigay galang sa isat-isa sa panahon ng mga pag­dinig. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

CALLEJO

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE EDGARDO CRUZ

JUSTICE JOSE SABIO

JUSTICE RO

JUSTICE VICENTE ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with