^

Bansa

PCG station commander sinibak!

-

Sinibak bilang Station Commander ng Philippine Coast Guard (PCG) sa North Harbor, Manila si Commander Erwin Balagas kasunod ng isinasagawang imbestigasyon ng Board of Marine Inquiry(BMI) sa pagtaob ng M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines noong Sabado.

Ito ang inihayag kahapon ni PCG spokesman Armand Balilo makaraang maglabas ng kautusan si Vice Admiral Wilfredo Tamayo.

Nabatid kay Balilo, ang pagsibak kay Balagas ay bahagi ng imbestigasyon sa paniniwalang nasa kanyang hurisdiksiyon ang M/V Princess of the Stars bago ito tumaob dahil umalis ito dakong alas-8: ng gabi sa Port of Manila patungo sa Cebu City.

Sinasabing ang PCG Manila Station ang nag-isyu umano ng clearance sa M/V Princess of the Stars na may lulang 869 katao naglayag sa kasagsagan ng bagyong Frank na humantong sa trahedya.

Naka-relieve sa kanyang puwesto si Balagas hang­ gang hindi natatapos ang isinasagawang imbestigasyon ng BMI. Si Balagas ay pinalitan sa puwesto ni Commander Danilo Ubaldo. (Doris Franche/Joy Cantos)

vuukle comment

ARMAND BALILO

BALAGAS

BOARD OF MARINE INQUIRY

COMMANDER DANILO UBALDO

COMMANDER ERWIN BALAGAS

DORIS FRANCHE

JOY CANTOS

MANILA STATION

V PRINCESS OF THE STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with