^

Bansa

Inuutang sa WB tuloy na

-

Inirekomenda na ng World Bank (WB) na bawiin ang suspension sa pagpapalabas ng $232 milyong loan para sa National Roads Improvement Management Proj­ects.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Budget Secretary Rolando Andaya Jr. sa ginanap na media briefing sa Malacañang matapos siyang makipagpulong kay WB country manager Maryse Gautier.

Sinabi ni Sec. Andaya, pumayag na rin ang WB na gamitin ang rules natin sa pagpapatupad ng bidding process at procurement system.

Nilinaw din ni Andaya na kaya pansamanta­ lang pinigil ang pag­papalabas ng naturang loan ay dahil hinihintay ng WB ang resulta ng imbestigasyon ng isang independent integrity group kaugnay sa bidding process at kung paano ipinatupad ang phase 1 ng proyekto.

Ipinaliwanag pa ni Andaya, inakala lamang ng WB na nagkaroon ng overpricing sa bidding ng proyekto dahil ang gina­mit na bidding rules ay ang rules ng WB na wa­lang ceiling limits. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANDAYA

BUDGET SECRETARY ROLANDO ANDAYA JR.

INIREKOMENDA

IPINALIWANAG

MARYSE GAUTIER

NATIONAL ROADS IMPROVEMENT MANAGEMENT PROJ

RUDY ANDAL

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with