^

Bansa

Tamad na kongresista ipapahiya sa diyaryo

-

Sinuportahan ni Cebu City Rep. Antonio Cuenco ang plano ng liderato ng Kamara de Represen­tantes na magsagawa ng ‘shame campaign’ laban sa mga tamad na kongre­sista.

Sa isang pahayag, na­ni­niwala si Cuenco na di­sip­ lina sa hanay ng mga mam­babatas ang kam­pan­yang ilat­hala sa mga pahayagan ang mga pa­ngalan ng mga abse­nerong kongre­sista.

“Bukod sa disipli­nang makikintal dito, makaka­buti rin umano sa kabu­uang trabaho ng Maba­bang Kapulungan ang idudulot ng kam­panya,” ayon pa kay Cuenco.

Aniya, bagama’t ma­sama para sa ilan ang ilu­lunsad na kampanya ng liderato ng Kamara, ka­ilangan naman gawin ito para sa ikabubuti ng ins­titusyong kanilang kina­aaniban. 

Sinabi pa ng kongre­sista na ang ipatutupad na ‘name and shame plan’ ay isang mabisang reseta para magamot ang masa­ mang imahe ng Kamara bilang batasan ng mga absenerong kongresista. 

Matatandaan na ini­hayag kamakailan ni Speaker De Venecia at Majority Leader Arthur Defensor na plano nilang bumili ng espasyo sa mga pahayagan upang ilathala ang pa­ngalan ng mga abse­nerong kongre­sista. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANTONIO CUENCO

BUTCH QUEJADA

CEBU CITY REP

CUENCO

KAMARA

MAJORITY LEADER ARTHUR DEFENSOR

SHY

SPEAKER DE VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with