^

Bansa

P7.2 trilyong 2027 budget, lusot na sa pinal na pagbasa sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang P7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027 matapos itong makakuha ng 281 boto pabor, 13 tutol at isang abstention.

Ayon kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III, dumaan sa masusing deliberasyon ang House Bill No. 10858 o General Appropriations Bill (GAB) upang matiyak na ang pondo ay nakatuon sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Kabilang sa pinakamalalaking alokasyon ang P1.07 trilyon para sa edukasyon, kasama ang karagdagang pondo para sa ayuda sa mga estud­yante, kaligtasan sa mga paaralan at mga programang pang-edukasyon.

Binigyan din ng prayoridad ang mga sektor ng agrikultura, kalusugan at transportasyon, kabilang ang mga programang tutugon sa posibleng epekto ng nakaambang Super El Niño sa mga magsasaka at mangingisda. Ang aprubadong panukala ay isusumite na sa Senado para sa bicameral deliberations.

BUDGET

FUNDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with