^

Bansa

Rep. Hizon hihirit din sa Manila mayoralty race

-
Padami ng padami ang mga nais tumakbo sa pagiging alkalde ng Maynila kung saan ang pinakahuling nagdeklara na tatakbo ay si Manila Rep. Joey Hizon sa ilalim ng Nacionalista Party (NP).

Ang battle cry ni Rep. Hizon ay ibabalik nito ang kinakailangang serbisyo ng mamamayan sa halip na puro beautification projects ang pagtuunan ng pondo na hindi naman nakakapagbigay ng trahabo at pagkain sa taumbayan.

Sinabi ni Hizon, ito na ang tamang panahon upang itigil ang malalaking gastos sa mga pailaw at parke bagkus ay ilaan ang pondong ito sa gamot at ospital na mas pakikinabangan ng mamamayan.

"Matagal nang naghirap ang mga Manileño, meron nga silang parke at pailaw subalit wala naman silang makain," wika pa ng mambabatas na sasabak sa darating na mayoralty race sa Maynila.

Naniniwala si Hizon na kaya niyang talunin ang naghaharing pamilya sa Maynila dahil pinatunayan na niya ito ng talunin si Kim Atienza sa pagiging kongresista sa 5th district ng lungsod.

vuukle comment

HIZON

JOEY HIZON

KIM ATIENZA

MANILA REP

MANILE

MATAGAL

MAYNILA

NACIONALISTA PARTY

NANINIWALA

PADAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with