^

Bansa

Pilipinas pang-7 sa mga bansang talamak ang mga pirated

-
Itinuturing ngayon ang Pilipinas na ika-pitong bansa sa mundo na talamak sa pagbebenta ng mga pirated goods mula sa mga kinopyang mga video discs hanggang sa mga damit at accesories sa katawan, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI). Ayon sa NBI, itinuturing ng United States Customs Service ang bansa sa mga nangungunang nasyon sa buong mundo sa naturang "underground" na industriya sa likod ng nangungunang Tsina na siyang pangunahing supplier ng mga pekeng kagamitan.

Nabatid rin na milyong dolyares ang nawawala sa industriya ng Estados Unidos sa pangongopya ng mga brand name ng kanilang mga produkto. Noong 2003 lamang, umabot sa $116 milyon ang nawala sa kanilang kaban dahil sa talamak na pamimirata sa buong mundo. Kasabay nito, umabot na rin sa Western Visayas ang talamak na bentahan ng mga pirated VCD at DVD matapos na makumpiska ang may 53 sako nito sa kahabaan ng Solis, Valeria, Ledesma at JM Basa Sts. sa Iloilo City, nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni NBI-Western Visayas director Mario Sison na isinagawa ang mga pagsalakay matapos na makatanggap ng sunud-sunod na reklamo sa talamak na bentahan ng mga pirated cd sa naturang lugar. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BASA STS

DANILO GARCIA

ESTADOS UNIDOS

ILOILO CITY

MARIO SISON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

UNITED STATES CUSTOMS SERVICE

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with