^

Bansa

Nicole hinataw ng bag ang ‘rapist’ sa korte

-
Nagwala kahapon at hinataw ng bag ng biktimang si Nicole ang isa sa akusadong nanggahasa sa kanya na si Lance Corporal Daniel Smith matapos siyang patirin nito sa Makati City.

Pasado ala-1 ng hapon kahapon bago magpatuloy ang pagsalang ni Nicole sa witness stand nang maganap ang insidente sa pagitan ng biktima at akusado.

Nagwala ang dalaga ng patirin siya ni Smith at walang sabi-sabi niya itong hinataw ng bag.

Nagawa ito ng naturang complainant dahil sa tindi ng kanyang galit at matinding trauma na dinanas nito mula sa kamay ni Smith.

Nagawa pa umanong patirin ng naturang akusado ang dalaga sa Korte.

Sa insidenteng ito nagkaroon ng komosyon sa besinidad ng Korte ni Judge Benjamin Pozon, ng Makati City Regional Trial Court (RTC) at mabuti na lamang ay hindi pa nag-uumpisa ang hearing.

Ngunit nakarating sa kaalaman ni Judge Pozon ang nasabing kaguluhan.

Kung kaya’t ikinagalit ito ng naturang hukom dahil sa nagkulang sa pagpapatupad ng seguridad ang kagawad ng pulisya, mga guwardiya at MAPSA.

Dapat aniyang sisihin ang mga ito, kung kaya aniya naganap ang nasabing komosyon sa pagitan nina Nicole at sa akusadong si Smith. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DAPAT

JUDGE BENJAMIN POZON

JUDGE POZON

KORTE

LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

NAGAWA

NAGWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with