^

Bansa

Arms shipment ng MILF sisiyasatin

-
Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa sinasabing shipment ng bultu-bultong mga armas para sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa rehiyon ng Mindanao.

Batay sa ulat, nitong nakalipas na linggo ay tumanggap ng arms shipment ang MILF mula sa kanilang mga supporters sa ibang bansa na ibinagsak sa dalawang baybaying bayan ng Mindanao.

Nito umanong Hulyo 24 ay umaabot sa 1,190 automatic rifles at libu-libong mga bala ang dumaong sa Palimbang, Sultan Kudarat at Kapatagan, Lanao del Sur.

Ang nasabing mga armas ay sa kabila ng isinusulong na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng separatistang mga rebelde.

Ayon kay AFP Southcom Chief Major Gen. Generoso Senga, simula ng matanggap nila ang report ay agad na silang nagdeploy ng mga tauhan mula sa Phil. Army at Phil. Navy na mahigpit a nagbantay sa mga lugar na posibleng puslitan ng nasabing mga armas at bala. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BATAY

GENEROSO SENGA

JOY CANTOS

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SOUTHCOM CHIEF MAJOR GEN

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with