^

Bansa

DA officials hiling siyasatin ng Ombudsman

-
Hiniling kahapon ng mga hog raisers ng Central Luzon sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang akusasyon ng isang Benjie Angeles, hepe ng Anti-Smuggling Task Force ng Department of Agriculture (DA) na nagdawit sa dalawang mataas na opisyal nito tungkol sa maanomalyang importasyon ng manok.

Si Angeles na nakabase sa Lipa City port ng Batangas ay pinaratangan sina DA Undersec. for Livestock Cesar Drilon at Atty. Benjamin Tabios na legal consultant naman ni DA Sec. Luis Lorenzo, na sangkot umano sa tangkang pagpuslit o "smuggling" ng 10 container vans na naglalaman ng chicken leg quarters na nasabat sa Port of Batangas nitong nakalipas na buwan ng Marso.

Ang pagsambulat ng pangyayari ay isinagawa sa isang exclusive interview ni Julius Babao ng ABS-CBN na ipinalabas sa programang TV Patrol nitong nakalipas na Martes. Kinilala ni Angeles ang nagmamay-ari ng shipment na CSP Trading.

Sa naturang programa, sinabi rin ni Angeles na sina Drilon at Tabios umano ang nagmanipula upang magkaroon ng veterinary quarantine certificate (VQC) para palabasin na nasa tamang lugar ang kargamentong nakumpiska.

Agad namang nagbuo si Lorenzo ng dalawang task force upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga akusasyon ni Angeles.

Sinabi ni Lorenzo na pansamantalang mawawalan ng karapatan sina Drilon at Tabios hinggil sa mga hakbang na may kinalaman sa importasyon ng karne dito sa bansa. (Doris Franche)

vuukle comment

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

BENJAMIN TABIOS

BENJIE ANGELES

CENTRAL LUZON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DORIS FRANCHE

DRILON

JULIUS BABAO

LIPA CITY

LORENZO

LUIS LORENZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with