^

Bansa

Abu Sayyaf umamin sa pagsabog ng Ferry

-
Inako kahapon ni Abu Solaiman, self-proclaimed spokesman ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), na sila ang may kagagawan ng pagsabog sa SuperFerry 14 na lumikha ng sunog noong Biyernes habang naglalayag sa Corregidor Island.

Sa panayam ng RMN News Manila, ipinarating ni Solaiman na tinaniman nila ng bomba ang barko.

Ayon pa rito, matagal ng target ng "terror attack" ng kanilang grupo ang mga bumibiyaheng barko partikular na ang WG & A SuperFerry at ang paghahasik ng panibagong karahasan ay kanilang itinaon sa iginawad na habambuhay na pagkabilanggo ng Pasig City Regional Trial Court sa grupo ni Hector Janjalani sa pagdukot kay African-American national Jeffrey Craig Edward Schilling noong Agosto 28, 2000.

Ipinagmalaki pa ni Solaiman, tinarget umano nila ang SuperFerry 14 upang iparating ang mensahe sa pamahalaan na malakas pa rin ang kanilang grupo sa kabila ng pagkakadakip sa ilan nilang lider kabilang si Ghalib Andang alyas Kumander Robot. Si Robot ay nadakip noong Dis. 7, 2003.

Sa panig naman ni AFP-PIO chief Lt. col. Daniel Lucero, pinagdududahan nito ang pahayag ng nagpakilalang Abu Solaiman sa pagsasabing psywar lamang ito ng ASG upang sindakin ang publiko.

Ayon kay Lucero, nakikisawsaw lang sa isyu ang ASG at pati isyu ng pagkasunog ng SuperFerry 14 ay sinasakyan.

Malabo anyang makapagsagawa ng pambobomba sa mga bumibiyaheng barko na nanggagaling sa Metro Manila ang Abu Sayyaf dahil mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng mga awtoridad.

Bukod dito, karamihan umano sa pambobombang kinasangkutan ng Abu Sayyaf ay nangyari mismo sa Western Mindanao, ang napapabalitang kuta ng grupo ni Solaiman.

Sabi pa ni Lucero na hindi dapat basta na lamang paniwalaan ang nagpakilalang Solaiman dahil marami umanong tumatawag sa nasabing himpilan ng radyo sa gaanong pangalan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ABU SOLAIMAN

AYON

CORREGIDOR ISLAND

DANIEL LUCERO

GHALIB ANDANG

HECTOR JANJALANI

JEFFREY CRAIG EDWARD SCHILLING

SOLAIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with