^

Bansa

Peace talks ibasura, MILF pulbusin na

-
Dapat na isantabi na lang ng gobyerno ang peace negotiations sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at magdeklara ng all-out war at pulbusin na ng militar ang nasabing rebeldeng grupo bilang tugon sa sunud-sunod na atake nito sa Mindanao.

Ito ang panawagan ni Surigao Rep. Prospero Pichay na nagmungkahi na ipagpaliban muna ang usaping pagkapayapaan hanggang magpakita ng kagustuhan ang MILF na pumasok sa negosasyon at sumunod sa mga patakaran nito.

Sinabi ni Pichay na ginagamit umano ng MILF ang peace talks upang magparami ng tao at armas, na labag sa patakaran ng negosasyon.

Ayon kay Pichay, walang saysay ang peace talks kung di titigil ang MILF sa pag-atake at di sila kakalas sa mga international terrorist organizations na nagsu-suplay sa kanila ng pondo at armas at gumamit ng kanilang mga kampo bilang training ground. Isang pag-aaksaya lamang ng oras kung muling papasok sa isang kasunduan ang gobyerno sa MILF.

Binatikos din ni Pichay ang government peace negotiations dahil pinalalagpas umano nito ang mga paglabag ng MILF sa interim peace accord at sa mga pag-atake nito.

"Ang huling pag-atake ng MILF sa Siocon, Zamboanga del Norte ay nagpapatunay na may mga elemento ng MILF na mga terorista," sabi pa ng solon. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

BINATIKOS

DAPAT

MALOU ESCUDERO

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PICHAY

PROSPERO PICHAY

SURIGAO REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with