^

Bansa

Partido ni Erap pinalalakas

-
Hindi nababahala ang Malacañang sa pagpapalakas ng Partido ng Masang Pilipino ni dating Pangulong Estrada bilang paghahanda sa 2004 presidential elections.

Sinabi ni Presidential Adviser on political affairs Joey Rufino na mas magandang naghahanda ang partido ni Erap upang magkaroon ng magandang laban sa darating na eleksiyon.

‘‘Hindi naman kami nababahala, mas maganda nga nagpapalakas sila para naman magkaroon ng mas masayang halalan sa 2004,’’ sabi ni Rufino sa isang panayam sa radio.

Ayon kay Rufino, nananatiling solido ang administration party Lakas-NUCD at si Pangulong Arroyo ang kanilang isasabak sa presidential elections sa 2004. Gayunman, agad kumambiyo ang Malacañang sa ginagawang pagpapalakas ng partido ni Estrada.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, ang nasabing hakbang ng oposisyon ay hindi dapat na makaapekto sa bansa lalo na sa mga mas importanteng hakbang para sa pagpapasigla ng ekonomiya at serbisyo sa publiko lalo na sa Metro Manila at mga liblib na lugar.

Sinabi ni Tiglao na mas iniisip ng Pangulo na pagtuunan ng pansin ang pangangasiwa sa bansa upang maibigay ang pangangailangan ng mamamayan at isantabi muna ang pulitika. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AYON

ELY SALUDAR

JOEY RUFINO

MALACA

MASANG PILIPINO

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with