GMA nagalit sa OIC ng MTRCB
December 12, 2002 | 12:00am
Kinastigo ni Pangulong Arroyo si Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) officer-in-charge Atty. Dennis Manicad matapos na magpalabas ng bagong identification cards na maari lamang kilalanin ng mga sinehan.
Sa panayam, sinabi ng Pangulo na dapat ay igalang ni Manicad ang mga ginawa ni dating MTRCB chairperson Marilen Dinglasan dahil legal ang mga ito tulad ng inisyung mga ID. Dapat anyang kilalanin ni Manicad ang mga nagawa ni Dinglasan ay para sa institusyon at hindi pang-personal.
Ang pahayag ng Pangulo ay matapos na ipawalambisa ni Manicad ang mga inilabas na MTRCB IDs na may pirma ni Dinglasan.
Samantala, nilinaw ng Pangulo na hindi pa nakatitiyak si Manicad na magiging permanente ito sa MTRCB.
Patuloy umano ang paghahanap ng search committee ng Malacañang para sa permanenteng mamumuno sa MTRCB. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest