^

Bansa

Camiling, Aglipay puntirya ng Misuari Breakaway Group

-
Nasa Metro Manila na umano ngayon ang isang grupo ng mga hit man ng Misuari Breakaway Group (MBG) na may misyon na likidahin ang dalawang mataas na heneral ng AFP at PNP.

Sa intelligence report na nakalap ng AFP, sinasabing titirahin ng MBG sina AFP vice chief of staff Lt. Gen. Gregorio Camiling at si PNP deputy chief for operations, Deputy Director Gen. Edgardo Aglipay.

Ang grupong magsasagawa ng pamamaslang ay kinabibilangan ng isang Kumander Bakiri at limang tauhan nito.

Maliban sa umano’y assassination, puntirya ring pasabugin ng grupo ang AFP relay stations sa Tagaytay at ang Geothermal Power Plant sa Batangas City.

Kasabay nito, tiniyak naman ng militar na masusing pagmamanman na ang kanilang isinasagawa sa grupo ni Bakiri na umano’y kasalukuyang tumutuloy sa tahanan ng isang Hadji Mahmud sa isang Islamic center sa Globo de Oro, Quiapo, Manila.

Matunog ang pangalan ni Camiling dahil isa ito sa mga kandidato bilang susunod na AFP chief of staff sa paglisan sa puwesto ni Gen. Benjamin Defensor sa darating na Nobyembre 18. Kabilang siya sa PMA Class 1969. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BATANGAS CITY

BENJAMIN DEFENSOR

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR GEN

EDGARDO AGLIPAY

GEOTHERMAL POWER PLANT

GREGORIO CAMILING

HADJI MAHMUD

KUMANDER BAKIRI

MISUARI BREAKAWAY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with