^

Bansa

P148-M gagastusin sa SONA ni GMA

-
Gagastos nang P148 milyon ang House of Representatives para lang pagandahin ang session hall bilang paghahanda sa ikalawang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Arroyo sa darating na Hulyo.

Ayon kay Surigao Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House committee on accounts, babaguhin ang buong gallery ng session hall sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga lumang ilaw para lumiwanag at hindi nakakaantok sa loob ng session hall.

Papalitan din ang lumang carpet at kukuha pa umano ng magagaling na interior designer para mangasiwa sa "major facelift" ng session hall.

Sasailalim din sa modernisasyon ang communication system at maglalagay ng mga mini-computers sa bawat lamesa ng mga kongresista. Sa mini-computer na ito magpapa-check ng attendance ang bawat kongresista at ito rin ang gagamitin kapag nagbobotohan sa session hall.

Napag-alaman pa na tanging ang dambuhalang bandila ng Pilipinas ang hindi papalitan. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

GAGASTOS

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HULYO

MALOU ESCUDERO

NAPAG

PANGULONG ARROYO

PAPALITAN

ROBERT ACE BARBERS

SURIGAO REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with