^

Bansa

Tulong ni GMA sa nakakakulong na Pinay sa HK hingi

-
Umapela kahapon si Sen. Ramon Magsaysay Jr. kay Pangulong Arroyo na tulungang makauwi ng bansa ang maysakit na Filipina na nakakulong sa Hong Kong mula pa noong 1998 makaraang mapatay nito ang kanyang abusadong Swiss national na mister.

Hiniling din ng mga kaanak ng nakakulong sa Hong Kong na si Veronika "Baby" Bueno kay Vice-President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona na tulungan ito upang mailipat sa bansa dahil sa kondisyon ng pangangatawan nito.

Sinabi ni Sen. Magsaysay, lumiham sa kanya si Ms. Bueno, 52, tubong-Sta. Cruz, Zambales, upang humingi ng tulong, partikular ang magkaroon ng review sa kanyang kaso matapos siyang mahatulan sa HK nang mapatay nito ang kanyang Swiss national na mister noong 1997.

Hinatulan ng korte si Bueno na makulong ng sampung taon.

Winika pa ni Bueno sa kanyang sulat sa senador, lubos siyang nagulat at disappointed sa naging hatol sa kanya ng korte gayung siya ang biktima ng abusado niyang mister at nagtanggol lamang sa kanyang sarili.

Kasalukuyang maysakit na partial paralysis, duodenal ulcer at arachnoid cyst sa kaliwang bahagi ng kanyang utak si Bueno na may apat na taon nang nakakulong doon.

Hinimok din ng mambabatas ang iba’t ibang samahang kababaihan na suportahan ang kahilingan ni Bueno upang makauwi na ito sa bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BUENO

CRUZ

FILIPINA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

HINATULAN

HONG KONG

MS. BUENO

PANGULONG ARROYO

RAMON MAGSAYSAY JR.

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with