^

Bansa

Sahod ng mga DH sa HK di na kakaltasan

-
Magandang balita sa mga Pinay domestic helpers sa Hong Kong!

Hindi na kakaltasan ng 20 porsiyento ang buwanang suweldo ng mga banyagang domestic workers sa Hong Kong matapos magdesisyon ang HK Special Administrative Region (SAR) na panatilihin sa dating halaga ang kanilang mga sahod.

Nagpahayag ng matinding kagalakan ang pamahalaan sa pagdinig ng gobyerno ng Hong Kong sa apela ng mga banyagang manggagawa doon kabilang na ng mga konsulado ng Pilipinas, Thailand, Indonesia at Nepal sa tuluyang di na pagpapatupad ng minimum wage cut sa mga banyagang katulong.

"This is a triumph of diplomacy and righteousness. I believe that the concerted and joint action by our national leaders led by the President itself Gloria Arroyo, members of the Congress and Cabinet secretaries particulary DOLE Secretary Patricia Sto. Tomas ably supported by our Philippine consulate general and the Filipino community in Hong Kong facilitated this decision," pahayag ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona.

Ayon kay Guingona, lalong magiging matibay ang ugnayan ng Pilipinas at Hong Kong sa nasabing desisyon.

Base sa record, sa 230,476 foreign domestic helpers sa Hong Kong 154,744 ay mula sa Pilipinas, 65,027 mula sa Indonesia at 6,867 ay galing ng Thailand. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

CONGRESS AND CABINET

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

GLORIA ARROYO

GUINGONA

HONG KONG

PILIPINAS

ROSE TAMAYO

SECRETARY PATRICIA STO

SPECIAL ADMINISTRATIVE REGION

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with