^

Bansa

Walang monopolyo sa drug test - Abenina

-
Nagpaliwanag si Land Transportation Office (LTO) Chief Edgardo Abenina na malaya ang sinuman na makapangasiwa ng drug test sa mga drivers at walang nagaganap na monopolyo kaugnay ng gagawing pagpapatupad ng naturang programa ngayong araw na ito.

Ang pahayag ay ginawa ni Abenina bilang tugon sa reklamo ng Powerbrokers, samahan ng mga drug testing operators na may nagaganap na monopolyo sa suplay at halaga ng drug testing kits sa lahat ng drug testing centers sa buong bansa.

Binigyan diin ni Abenina na bukas ang sinumang private companies na mag-aply at magpa-accredit sa LTO kung nais na makiisa sa pangangasiwa sa drug testing ng ahensiya dahil wala silang kinikilingan.

Labas na rin umano sila sa usapin ng halaga ng suplay at kits na gagamitin sa pagpa-drug test ng mga drivers dahil ang LTO ay taga-pagpatupad lamang ng batas.

Niliwanag din ni Abenina na hanggang pagtanggap ng aplikasyon at pag-accredit lamang ng mga drug testing operators ang tungkulin sa usapin ng drug test dahil ang Department of Transportation and Communication (DOTC) ang siyang mag-aapruba ng mga lehitimong magpapatupad sa drug test. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ABENINA

ANGIE

BINIGYAN

CHIEF EDGARDO ABENINA

CRUZ

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DRUG

LABAS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NAGPALIWANAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with