^

Bansa

Sin tutol sa 'ikapu'

-
Tutol si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa pagbibigay ng "ikapu" o 10 porsiyento ng kita ng lahat na mga miyembro ng Simbahang Katoliko sa kani-kanilang parokya.

Ang pahayag ay bunsod ng umiinit na debate hinggil sa isyu ng "tithing" kung saan isang television station ang nagsagawa pa ng survey at kinuha ang posisyon ng mga mamamayan tungkol sa pagbibigay ng ‘ikapu’ ng mga Katoliko.

Sinabi ng Cardinal na hindi siya pabor sa "obligatory tithing" at hindi dapat pag-usapan ang nasabing isyu lalo pa’t kung ikokonsidera kung gaano ang paghihirap na dinaranas ng mamamayang Pilipino.

Ayon sa Cardinal, ang mga debate sa isyu ng ikapu ay nagtatanim lamang sa mga isipan ng mahihirap na mamamayan na ang Simbahang Katoliko ay corrupt.

"Nasasaktan ako, dahil nasasaktan ang mga mahihirap," pahayag ng Cardinal.

Hindi umano kailangan ng Simbahang Katoliko ang mas maraming pera mula sa tao, ang mas kailangan ng Simbahan ay "kabanalan" hindi "ikapu" kasabay ng panawagan ng Cardinal na magkaroon ng determinasyon na mamuhay gaya ni Kristo. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AYON

JHAY MEJIAS

KATOLIKO

KRISTO

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

NASASAKTAN

PILIPINO

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with