^

Punto Mo

Babae na mabilis maglinis ng bintana, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang babae sa U.K. ang nakapagtala ng bagong world record sa larangan ng window cleaning!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Aliscia Burrows ang pinakabagong world record holder sa titulong “Fastest Window Cleaner (Female)”. Ito ay matapos niyang malinis ang bintanang may sukat na 45x45 inches sa loob ng 16.13 seconds.

Nagtatrabaho sa isang automotive business si Aliscia. Mula pa sa pagkabata ay lumaki na siya sa larangan ng paglilinis ng bintana dahil ang kanyang ama ay si Terry “Turbo” Burrows, isang window cleaner na ilang beses ng naparangalan ng Guinness ng titulong “Fastest Window Cleaner (Male)” simula pa noong 1997. Sa kasalukuyan, hawak pa rin ito ni Terry at may record siya na 9.14 seconds.

Sa interview kay Aliscia ng Guinness, tinanong ito kung mahihigitan ba niya ang 9.14 seconds na record ng kanyang ama. Pero ayon dito, kahit siya na ang may hawak ng female category sa fastest window cleaner, alam niyang hindi niya matatalo ang record ng kanyang ama dahil mayroon itong deka-dekadang experience sa paglilinis ng bintana. Dagdag pa niya, masaya na siya na parehas silang may Guinness World Record.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with