^

Metro

Minors na PWD sa Manila bibigyan ng ayuda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Ma­yor Honey Lacuna sa mga magulang at guardians ng batang  kabilang sa persons with disability (PWDs) o minors with disability (MWDs)  na iparehistro ito sa mga barangay.

Ito aniya ay upang sila ay maisama sa talaan ng buwanang mo­netary aid na ibinibigay ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng social amelioration program nito.

Sinabi ni Lacuna na sisimulan na ng tanggapan ni social welfare department chief Re Fugoso ang pagsasama ng mga menor-de-edad na nakarehistro na sa kanilang mga barangay sa payout na gagawin sa susunod na buwan, kasama ang mga solo parents.

Ang pagsasama ng mga MWD sa listahan ng mga benepisyaryo ng cash aid ng lungsod ay alinsunod sa City Ordinance 8991 na ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Maynila at pangunahing inakda ni Councilor Fa Fugoso (3rd district).

Sinabi ni Lacuna na ang mga menor-de-edad ay makatatanggap ng ?500 buwanang allo­wance mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ang Ordinance 8991 na ipinasa noong Set­yembre 19, 2023, ay inamyendahan ng Ordinance 8565 at 8756 na nagbigay ng parehong allowance sa mga adult person with disabilities (PWDs), bukod sa mga senior at solo parents na naninirahan sa Maynila.

vuukle comment

MWDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with