^

PSN Palaro

Catantan palaban sa Paris Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Catantan palaban sa Paris Olympics
Naniniwala si Catantan na walang imposible kung mananalig lamang ito sa kanyang kakayahan.

MANILA, Philippines — Ibubuhos ni Samantha Catantan ang buong lakas nito upang makapagbigay ng magandang laban sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo.

Naniniwala si Catantan na walang imposible kung mananalig lamang ito sa kanyang kakayahan.

Aminado si Catantan na matinding laban ang kanyang haharapin.

Subalit handa itong harapin ang hamon para makapagbigay ng kara­ngalan sa bansa.

“Nothing is impossible,” ani Catantan sa pagbisita nito sa PSA Forum na pre­sinta ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic  Committee, MILO, Smart/PLDT at ArenaPlus.

Bago ang Paris Olympics, nakatakdang sumalang sa training camp si Catantan sa Italy mula Hunyo 12 hanggang 29.

Matapos ang camp, tutulak na ito sa France para makasama ang Team Philippines.

Sasabak si Catantan sa eliminasyon sa Hulyo 28 sa Round-of-64.

Ngunit hindi magiging madali ang lahat kay Ca­tantan dahil kung papasok ito sa Round-of-32, posi­leng makaharap nito si women’s foil No. 1 fencer at Olympics gold medalist Lee Kiefer ng Amerika o ang No. 2 seed sa torneo.

“Kahit saan kami pu­mwesto dito, malakas ang makakalaban namin. If we get to the Round-of-32 as the No. 32 then we will meet the No. 1 player,” ani Amat Canlas na coach ni Catantan.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with