^

Probinsiya

19-anyos coed pumalag sa rape, pinagsasaksak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
19-anyos coed pumalag sa rape, pinagsasaksak
Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police, dakong alas-2 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang nasabing estudyante nang pasukin ng suspect na kinilala sa pangalang “Andro”, 46-anyos, isang maintenance personnel sa isang compound kung saan umuupa ng kuwarto ang biktima.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na babaeng college student ang agaw-buhay sa ospital nang magtangkang manlaban sa isang lalaki na nangtangkang humalay sa kanya sa loob ng tinutuluyan nitong kuwarto sa Brgy. Nazareth, Cagayan de Oro City nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police, dakong alas-2 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang nasabing estudyante nang pasukin ng suspect na kinilala sa pangalang “Andro”, 46-anyos, isang maintenance personnel sa isang compound kung saan umuupa ng kuwarto ang biktima.

Naalimpungatan umano ang biktima nang maramdaman ang panghihipo sa maselang­ ba­hagi ng kaniyang katawan ng suspect at pagsibasib ng halik dito.

Nanlaban ang biktima at itinulak ang suspect na umano’y nasa impluwensya ng alak at nagawang makasigaw sa paghingi ng saklolo pero nagawa siyang mahabol ng suspect at pinagsasaksak.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima at patuloy na isinasalba ang buhay nito sa tinamong mga saksak sa leeg at dibdib.

Sumaklolo naman ang ilang residente at iba pang mga sibilyan kung kaya nasukol ang suspect bago pa man makatakas.

Nasa kustodya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with