^

Probinsiya

2 basurero nasalpok ng van, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 basurero nasalpok ng van, patay!
File photo of road mishap.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang basurero ang nasawi makaraang aksidenteng masalpok ng isang humahagibis na van habang nango­ngolekta ng basura sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela, ayon sa ulat kahapon.

Ang dalawang biktima; pawang aktibong taga kolektor ng basura ng pamahalaang lungsod ng Cauayan ay kapwa idineklrang dead-on-arrival sa Cauayan District Hospital.

Sa report ng Caua­yan City Police, nangyari ang insidente noong Huwebes ng gabi habang ang dalawang biktima ay nasa likod ng truck at nagkakarga ng kinolekta ng mga itong basura nang magyari ag insidente sa kahabaan ng national highway, sa Brgy. San Fermin ng lungsod.

Ayon sa pulisya, abala ang mga biktima sa pagsasaayos ng basura nang bigla na humarurot ang van at binangga nito ang likuran ng truck ng basura kung saan nasapol ang dalawang biktima.

Nagawa pa ang mga itong maisugod sa pagamutan pero kapwa idineklara ng ang mga itong dead-on-arrival sanhi ng matitinding sugat na tinamo sa katawan.

Nagtamo ng sugat ang driver ng van nasa sa maayos ng kondisyon sa insidente.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to property ang driver ng van.

DEAD

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with