Lea, inalala ang pinsang ni-rape!

Nagpahayag ng suporta ang award-winning Broadway actress na si Lea Salonga para sa lahat ng ‘Jane Does’ na nakilala niya sa buhay.
Sa kanyang Threads account, binalikan ni Lea ang karanasan ng kanyang pinsan na minsan ding naging biktima ng rape.
Ginawa ni Lea ang post matapos muling buksan ang kaso ng umano’y gang rape sa isang fraternity sa Cornell University noong 2024.
Ang biktima na tinawag lamang na ‘Jane Doe’ at dating estudyante ng Cornell, ay nagkuwento ng umano’y pang-aabuso at panggagahasa ng pitong miyembro ng fraternity.
Sa sunod-sunod na posts at reposts sa Threads, ibinahagi ni Lea ang suporta niya kay Jane Doe at sa lahat ng nagsalita tungkol sa masakit nilang pinagdaanan. “No, I am not Jane Doe. But I know women who are. I still clearly remember the day one of my cousins sat me down and told me what had happened to her, at the hands of someone she was supposed to trust. Already I knew him to be a bastard, a lowlife, an asshole from the stories my mother told me of him.
“And then this new revelation. When I heard he died, I celebrated. If given the chance, I’d dance on his grave,” caption ni Lea.
Nagpakita naman ng pakikiisa ang mga fans ni Lea para sa lahat ng kababaihan at mga Jane Doe sa comment section. May iba pang netizens na nagbahagi rin ng sarili nilang karanasan.
Matagal nang lantad si Lea sa pagsuporta sa women empowerment at sa LGBTQIA+ Community.
Nauna na rin niyang ibinahagi ang pagtulong niya sa anak na si Nic Chien sa kanyang transition.
Candy, may payo sana kay Patrick
Maraming netizens ang sumang-ayon sa opinyon ni Candy Pangilinan tungkol sa kontrobersyal na panayam ni Patrick Garcia kaugnay ng isyu nila noon ni Jennylyn Mercado. “Well, for me, kung ako ‘yon... bilang may anak din naman po akong special, na neurodivergent,” aniya.
Payo niya, bago magsalita sa publiko, sana kinausap muna ni Patrick nang pribado si Jennylyn. “Privately, nag-usap sila. Kinilala niya si Jazz... nagkaroon ng kapatawaran, ng unity, reconciliation. Pati with Dennis, nabigyan niya ng pagkakataon,” sabi ni Candy.
Dagdag niya, pagkakataon din sana para makilala ng mga anak ni Patrick kay Nikka Garcia ang kapatid nilang si Jazz. “Kasi si Jazz is a child. Is neurodivergent. And will always be a child. He will have all the chance to be a friend to this child. Given a chance, give himself a chance to be a friend to this child of his.”
Hollywood actor, napuruhan noon si Stallone
Sa bago niyang memoir na Fights Worth Fighting: Finding Strength in Struggle, naikuwento ng Hollywood actor na si Dolph Lundgren ang lahat, mula sa pakikipaglaban niya sa cancer hanggang sa pakikipaglaban niya kay Sylvester Stallone sa pelikulang Rocky IV.
Ayon sa 68-year old Swedish actor, magulo ang naging buhay niya sa Hollywood at nagbago ang pananaw niya sa buhay matapos ma-diagnose noong 2015 with kidney cancer. Sinabihan siya na ilang taon na lang ang itatagal niya. Pero lumaban daw siya.
Gumawa si Lundgren ng mahigit na 75 movies, pero ang papel niya sa Rocky IV ang nagpabago ng buhay niya.
Naging malapit na magkaibigan sila ni Stallone habang ginagawa ang pelikula. Naalala ni Dolph ang isang eksena ng suntukan na hindi naplano nang maayos. “One of those punches rocked Sly so hard, it sent him to the ICU for four days. He got, like, a bruised heart muscle, and it was swollen and they had to fly him down low-altitude so his heart wouldn’t swell up too much,” pag-alala niya.
- Latest





















