^

Probinsiya

Bunso na tsumap-chop sa kuya, arestado!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bunso na tsumap-chop sa kuya, arestado!
Sa report ng Zamboanga City Police, ang suspect na hindi pa binanggit ang pangalan ay nasakote sa isinagawang follow-up ope­ration ng mga ope­ratiba kamakalawa sa nasabing lugar.
STAR / File

MANILA, Philippines — Matapos ang halos dalawang linggo, nasakote na ng mga awtoridad ang isang 18-anyos na lalaki na brutal na pumas­lang sa nakatatandang kapatid nito na kanyang tsinap-chap ang katawan saka isinilid sa maleta at ice chest sa Brgy. Sinunuc, Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Zamboanga City Police, ang suspect na hindi pa binanggit ang pangalan ay nasakote sa isinagawang follow-up ope­ration ng mga ope­ratiba kamakalawa sa nasabing lugar.

Ang krimen ay naganap noong Setyembre 10 sa gitna ng mainitang pagtatalo ng magkapatid sa kanilang tahanan sa Brgy. Sinunuc ng lungsod.

Inamin naman ng suspect ang krimen at sinabing pinagtataga nito ang 27-anyos niyang kuya, minartilyo saka tsinap-chop ang katawan ng lagareng bakal saka isinilid sa maleta, at isang ice chest upang itago ang krimen.

Ang bangkay ng biktima ay inabandona ng suspect sa tabi ng isang tindahan sa kanilang lugar na inireport naman ng isa nilang kapitbahay ang pagkakadiskubre sa bangkay sa mga opera­tiba ng pulisya na mabilis na nagresponde sa lugar.

Ayon sa Zamboanga City Police, ang suspect ay pangunahing suspect sa krimen dahilan ito ang kasama ng biktima sa kanilang tahanan at bigla itong nawala matapos ang insidente.

Sa pahayag ng naares­tong suspect, siya umano ang naghaha­napbuhay kung saan nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang kuya dahil pinagnanakawan siya nito ng pera na humantong sa kanilang pagtatalo hanggang sa mapatay niya ito.

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with