^

PSN Opinyon

Na-scam ang AFP?

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, lumitaw na mukhang na-scam ang Armed Forces of the Philippines (AFP), at nagamit ang pangalan nito para bigyang-kredibilidad ang paglustay ng confidential funds.

Sa pagdinig, sinabi ni Col. Manaros Boransing II ng Philippine Army na walang pondong natanggap ang kanilang unit mula sa Department of Education (DepEd) o sa Office of the Vice President para sa mga Youth Leadership Summit at Information Education Campaign activities nito noong 2023.

Kung gayon, bakit isinama ng opisina ni Sara ang activity certifications ng AFP bilang bahagi ng liquidation report nito para sa milyon-milyong pisong confidential funds?

Mismong si Boransing ay naglinaw na ang certification ay patunay lamang na naganap ang mga aktibidad at lumahok ang DepEd. Hindi ito patunay na tumanggap sila ng pondo, confidential funds o iba pa, mula sa opisina ni Sara.

Sambit pa ng mga opisyal ng AFP, nagulat at nagtaka sila nang malaman nilang ginamit ang kanilang activity certifications sa liquidation reports ni Sara.

Bukod dito, sinabi rin ni Boransing na wala siyang personal na kaalaman kung paano ginamit ng DepEd ang regular o confidential funds nito para sa mga aktibidad ng Army.

Ang tanong: Saan napunta ang pera? Sino ang tumanggap at gumastos? Para saan ito ginastos?

Pero isang bagay ang malinaw: ginamit at dinungisan ang pangalan ng AFP para kumubra sa pondo ng mamamayan.

Isa itong malaking insulto para sa AFP!

Biruin ninyo, ang confidential funds ay dapat gamitin para tugunan ang intelligence at security needs ng bansa. Ngunit hindi lamang malinaw kung paano ito ginamit; maging ang isa sa mga institusyong dapat natulungan nito, ang AFP, na may lehitimong intelligence at security functions, ay hindi man lamang nakatanggap ng pondo, kahit paulit-ulit na ginamit ang pangalan nito sa mga dokumento.

Maliwanag na malalim ang sapot ng kontrobersiyang ito. Marami ang binudol at na-scam. Sumasalamin ito kung gaano kaganid at kawalang-hiya ang mga sangkot. Makakapal ang apog na gamitin ang pangalan ng sinuman, kahit ang institusyon gaya ng AFP, para sa kanilang pandarambong.

Kung kaya nilang gawin ito sa AFP, maliwanag na walang hangganan ang kanilang katakawan sa pera ng bayan at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Hanggang kailan tayo magpapa-scam?

Ang kailangan natin ay mga tunay na lider, hindi mga scammer!

AFP

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with