^

Balita Ngayon

Alessandra 'di kayang gumawa ng love scenes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa sa mga magagaling na artista si Alessandra de Rossi at patunay dito ang mga natanggap na pagkilala sa loob at labas ng bansa.

Pero inamin ni Alessandra na mapili siya sa mga ginagawang pelikula dahil aniya, mahalaga pa rin na lumabas ang kanyang tunay na talento.

“Medyo choosy talaga ako,” sabi ni Alessandra. “Kasi siyempre iniisip ko one day magiging memory na lang ako, siyempre gusto ko kapag na-search ang pangalan ko magaganda naman ang pelikula ko di ba? Hindi pwede sa akin yung, ‘Gawin natin ‘to. Puwede na yan for the sake na may pelikula ka,’ no.”

Ilan lamang sa mga natanggap niyang awards ang international award mula sa ASEAN International Film Festival and Awards para sa pelikulang “Sta. Nina.”

Karamihan nang ginagawa niya ay indie films dahil aniya, mas malawak at mas makabuluhan ang mga ito.

”Yung experience, yung alam mong mag-e-enjoy ka, sa co-actors alam mong may matututunan ka," sabi pa niya.

Pero kahit mahusay na artista si Alessandra ay umiiiwas pa rin siyang gumawa ng mga horror movies at may mga love scenes.

Samantala, pinagbibidahan ni Alessandra ang Cinema One Originals Plus film entry na pinamagatang “Woman of the Ruins" sa direksyon ni Keith Sicat.

vuukle comment

ALESSANDRA

CINEMA ONE ORIGINALS PLUS

GAWIN

ILAN

INTERNATIONAL FILM FESTIVAL AND AWARDS

KEITH SICAT

PERO

WOMAN OF THE RUINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with