^

Balita Ngayon

Minero nabagsakan ng troso sa minahan, patay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang minero ang namatat at isa pa ang nasugatan matapos silang mabagsakan ng troso sa isang mining tunnel nitong Miyerkules ng umaga sa Itogon, Benguet.

Kinilala ang nasawing si Orlando Dalasen, 29, ng Diadi, Nueva Vizcaya, habang taga-Tadian, Mt. Province naman ang sugatang si Arnold Guiamas na kapwa contractual miners ng Benguet Corp. at nananalagi sa Old Forest Tree sa Barangay Virac.

Nabagsakan ang dalawa ng troso sa loob Area 18, 364 Vein, 16 Slope sa Level 1500 sa Barangay Virac.

Ayon sa mga pulis, patungo ang dalawang biktima sa kanilang mga nakatakdang lugar nang gumuho ang mining tunnel at mabagsakan sila ng mga troso.

Kaagad naman naiulat ng iba pang minero ang insidente sa Safety Department ng  Benguet Corporation na kaagad naglunsad ng rescue and retrieval operations.

Isinugod ang mga biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center kung saan idineklarang dead on arrival si Dalasen.

vuukle comment

ARNOLD GUIAMAS

BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BARANGAY VIRAC

BENGUET CORP

BENGUET CORPORATION

MT. PROVINCE

NUEVA VIZCAYA

OLD FOREST TREE

ORLANDO DALASEN

SAFETY DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with