^

Balita Ngayon

PNoy nag-ikot sa mga terminal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ininspeksyon ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Martes ang iba't ibang terminal sa bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan ngayong mahal na araw.

Unang tumungo ang Pangulo sa Manila North Harbor upang tignan ang kalagayan ng ticketing at check-in system sa lugar.

Binisita din ni Aquino kasama ang mga opisyal ng Philippine Coast Guard, Maritime Industry Authority at Philippine National Police ang X-ray facilities at pre-boarding area ng pantalan.

Iniutos din ng Pangulo sa mga opisyal na maglagay ng Tagalog translations ng mga signages sa lugar upang madaling maintindihan ng mga pasaherong magbabakasyon ngayong semana santa.

Matapos puntahan ang Manila North Harbor, tutungo ang Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport upang inspeksyunin din.

vuukle comment

AQUINO

BINISITA

ININSPEKSYON

MANILA NORTH HARBOR

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with