Tsina kasuhan uli sa int'l court, singilin ng P223-B sa WPS damages — mangingisda
MANILA, Philippines — Hinimok ng grupong PAMALAKAYA na muling ihabla sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ang Beijing para masingil ito ng bilyun-bilyong pisong danyos sa mga nasirang nitong bahura sa West Philippine Sea.
Ito ang itinutulak ngayon ng progresibong grupo ng mangingisda matapos ipasilip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unreleased photos ng pangunguha ng giant clams atbp. marine species sa Panatag (Scarborough) Shoal mula 2017 hanggang 2019.
This morning, I held a press conference alongside Assistant Director General Jonathan Malaya to publicize a collection of photos and videos that document the destructive actions of Chinese fishermen in Bajo De Masinloc from December 2016 to 2022. It is important to note that… pic.twitter.com/pJitA6HC8U
— Jay Tarriela (@jaytaryela) May 20, 2024
"The next legal case should primarily compel China to pay remuneration for the damaged reefs caused by its aggression, plunder, and occupation of sea features in our territorial waters," ani Ronnel Arambulo, PAMALAKAYA National Vice Chairperson ngayong Martes.
"Based on the baseline value of P18 million per hectare of damaged coral reefs per year by a Dutch information and analytics company, Beijing is liable to pay us an amount of P223.2 billion over the irreversible damage inflicted to coral reefs in Panatag Shoal and Kalayaan Islands."
Matatandaang 2016 nang ibalewala ng PCA ang nine-dash line claim ng Beijing sa South China Sea, ito habang idinidiing dumulo ito sa pagkakalabag ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ang West Philippine Sea ay bahagi ng South China Sea na pasok sa 200-nautical mile EEZ ng bansa, alinsunod sa Administrative Order No. 29, s. 2012.
Ilan sa mga paglabag na ginawa ng Tsina sa loob ng EEZ ng Pilipinas ang pangingialam sa pangingisda at oil exploration ng Pilipinas, pagtatayo ng artifical islands, at hindi pagpigil sa mangingisdang Tsino na mag-operate sa erya.
Sa kabila ng ruling na ito ng PCA, patuloy na idinidiin ng gobyerno ng Tsina na sila ang may karapatan sa mga features sa loob ng West Philippine Sea. Ito'y kahit malayong-malayo na ito sa kanilang bansa. Dahil dito, ilang Pilipino na ang binobomba ng tubig, binabangga, at tinututukan ng lasers sa naturang katubigan.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ng China na pinag-iisipan nilang ikulong ng 60 araw ang mga papasok sa halos buong South China Sea, kahit walang paglilitis.
Setyembre 2023 lang nang sabihin ng Armed Forces of the Philippines na merong "massive coral harvesting" sa Rozul Reef, isang erya na nasa loob din ng West Philippine Sea. Pinaghihinalaang Tsina ang nasa likod nito.
Sariling assessment ng sitwasyon
Magsasagawa din ng sariling assessment ang PAMALAKAYA pagdating sa economic cost ng pangha-harass at bullying ng Tsina sa West Philippine Sea.
Sa inisyal na datos ng grupo, lumalabas na naakaapekto na sa kabuhayan ng 627, 000 mangingisda ang panghihimasok ng mgaa Tsino sa littoral princes ng WPS gaya ng Ilocos, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Batangas at Palawan.
Dahil diyan, umabot na rin aniya sa 70% ng daily oncome ang nawawala sa mga mangingisda ng Zmbales province simula nang maagaw ng Asian giant ang Panatag Shoal noong 2012.
- Latest