^

PSN Opinyon

‘Dalawang regalo sa Semana Santa’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MALAKI NA ANG sakripisyo ng mga beterano natin kaya naman pinamamadali ni Presidente Rodrigo Duterte ang pag­lalabas ng  mahigit anim na bilyong pisong pensiyon ng mga war veterans.

Lumaban at nagsakripisyo para sa bansa ang ating mga beterano kaya hindi na dapat sila pahirapan sa kanilang pagtanda.

Maliban sa dagdag na pensiyong pinamamadali ng Presidente ay ipinangako niya rin na tututukan niya ang pangangailangan ng mga beterano pati na pamilya nito ng kung anumang karapatan para sa kanila.

Maraming mga beterano ang natuwa sa mga ipinangakong ito ng Presidente.

Inatasan din ni Presidente Duterte ang Veterans Memorial Medical Center at 152 na veterans-accredited na mga ospital na patuloy na magbigay ng libreng serbisyo sa mga beterano.

Ang mga dependents ng mga dependents ng mga beterano ay nakapasok sa iba’t-ibang paaralan bilang Iskolar ng Bayan.

Hindi matatawaran at hindi mapapantayan ang katapangang pinamalas nila nang lumaban sila nung digmaan kaya naman kung anong benepisyo ang maibibigay sa kanila ng pamahalaan ay dapat itong ibigay sa lalong madaling panahon at hindi na kinakailangan paghintayin pa ng mahabang panahon.

Para sa kanilang mga kalusugan napakahalaga kung merong  mga ospital na libreng titingin sa kanila dahil maibabawas na ito sa kanilang gastusin at mga gamot na lang ang kinakailangan nilang bilhin.

Papalawakin ng Presidente ang tulong pinansiyal para sa mga beterano upang mas mabigyan pansin ang kanilang mga pangangailangan.

Malaking bagay para sa mga beterano kung makukuha nila kaagad ito para magamit nila sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at pati na din sa maintenance medicine nila buwan buwan.

Maliban sa pagpapadali ng Presidente sa mahigit anim na bilyong piso ay ipinamigay niya na din sa miyembro ng Kadamay ang mga bahay na inagaw  nito.

Matatandaan na sumugod sa mga pabahay sa Pandi at San Jose del Monte, Bulacan at ang miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

Sapilitang inokupa ng miyembro ng Kadamay ang mga na nakalaan sa AFP at PNP.

Nung simula ay hindi pinahintulutuan ng Presidente na okupahin nila at angkinin ito ngunit kalauanan ay napagpasiyahang ibigay na lamang sa  mga miyembro ng Kadamay.

Sinubukan silang paalisin ngunit nagmatigas sila na manatili don. Ilang pamilya ang patuloy na nakatira sa kabila ng pagpapaskil ng notice sa labas ng mga bahay para sila’y umalis ay di pa din nila pinansin.

Ayon sa mga miyembro ng Kadamay kinukuha lamang daw nila ang kanilang karapatan na magkabahay at ang mga pabahay namang yun ay para din sa kanila.

Nagkaroon pa ng tensiyon nang pasukin nila ang pabahay para sa AFP at PNP dahil nagmatigas ang mga residente doon na huwag makapasok ang Kadamay dahil alam nila ang sapilitan nitong pag-okupa.

Sa patuloy na pagmamatigas ng Kadamay ay ibinigay na ni Presidente ang mga bahay na inokupa nila. Ito ay para maiwasan ang batuhan at sakitan.

Sinabihan din ng Presidente na igagawa niya ng mas magandang bahay ang mga AFP at PNP na may kuryente at tubig kumpara sa mga pabahay sa Bulacan na hirap sa tubig at kuryente.

Nagkaroon pa ng tensyon nang magkaroon ng pag-uusap sa mga kinatawan ng Kadamay.

Ang ilan naman sa nakapanayam na miyembro ng Kadamay ay sinabihan daw sila na kapag sumama sila at dumalo ng mga meeting ay magkakaroon sila ng bahay.

Sa kagustuhan nilang magkabahay sumama sila sa rally at ilang meeting dahil mahihirap din naman sila.

Nang malaman nilang ipinagkaloob na ito ng Presidente  sa kanila hiniling nila n asana ay ito na ang pinal na desisyon ng Presidente at may papel sana silang panghawakan dahil baka magbago ito sa susunod.

Mas mabuti din daw na may panghawakan sila. Ikinatuwa ito ng mga miyembro dahil hindi na nila kakailanganin pang mangupahan.

Wala lang daw sanang sumunod pa na sapilitang ookupahin ang ilang pabahay ng gobyerno.

Maghahanap na lang daw ng ibang lugar para tayuan ng pabahay para sa mga kapulisan at sundalo.

Ang proyektong pabahay para sa pulis at sundalo ay ginawa pa ng nakaraang administrasyon kaya igagawa niya ng bago na kompleto sa pangangailangan tulad ng tubig at kuryente pag lipat nila.

Pinakiusapan niya ang mga pulis at sundalo na huwag nang paalisin ang Kadamay dahil lumalaban ang mga ito.

Hiniling din naman ng Presidente sa Kadamay na huwag nilang paalisin ang mga sundalo at pulis na naunang manirahan doon.

Pagdating ng tamang panahon ay ililipat niya sa magandang tahanan ang mga ito.

Ang ating kababayang pulis at sundalo  ang pumoprotekta, lumalaban at nakikipaglaban para sa atin.

Sila ang nagpapatupad ng batas at ang ilan pa nga sa kanila ay sa panahon ng mahahalagang araw ng kanilang pamilya ay nasa trabaho sila para tuparin ang sinumpaang tungkulin.

Maganda rin sigurong  naibigay na lamang sa Kadamay ang mga nabanggit na pabahay dahil mabibigyan sila ng mas maganda at hindi na sila mahihirapang magpakabit ng kuryente at tubig.

Ang pangakong pabahay ni Presidente sa mga pulis at sundalo ay matatapos niya hanggang Disyembre.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451.

Sa gustong makausap ako ng diretso maaari kayong tumawag sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with