^

Probinsiya

Kambal na bata patay sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng 3-anyos na kambal matapos makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Brgy. Laba­ngon, Cebu City nitong Biyernes ng madaling-araw.

 Ang mga biktima ay sina Elaine Mayat at ang kakambal nitong lalaki na may palayaw na Totoy, pawang nagtamo ng matitinding sugat at sunog sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

 Sa ulat ng Cebu City Fire Marshal, dakong alas-2:55 ng madaling-araw nang lamunin ng apoy ang 2-storey house ng pamilya Mayat sa Acacia Place Subdivision sa Brgy. Labangon, Cebu City.

 Halos tulala naman ang kasambahay ng pamilya Mayat na nag-aalaga sa mga bata matapos siyang matagpuan sa loob ng comfort room ng kanilang tahanan na masu­werteng nailigtas sa insidente.

 Ang kambal ay natagpuan sa loob ng kanilang silid at nagawa pang maisugod sa pagamutan subalit idineklarang mga patay. Ang batang lalaki ay binawian ng buhay sa Cebu City Medical Center habang ang kakambal nitong babae ay sa Chong Hua Hospital.

 Lumilitaw sa imbestigasyon, nag-overheat ang airconditioning unit sa bahay ng mga biktima at sumabog sanhi ng sunog. Naapula  ang apoy bandang alas-4:04 na ng madaling-araw.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with