^

True Confessions

Nunal(133)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HANGANG-HANGA si Robert nang makita ang painting ni Mahinhin. Kakaiba! Napakahusay! Detalyado!

“Napakaganda ng painting ni Mahinhin! Perfect. Parang si Adan at si Eba sa Paraiso. Puwede ring si Malakas at Maganda.’’

“Salamat sa papuri. Busog na busog na ako, Robert.’’
“Puwede rin naman na ang title ay si “Robert at Mahinhin”. Ano sa palagay mo?’’

“Bahala ka. Sa iyo naman ang painting na ito di ba?’’

“Okey. Mag-iisip ako nang magandang title para rito.’’

“Bakit mo naisip na isama ka sa painting?’’

“Wala lang. Basta bigla ko lang naisip.’’

“Pero hanga ako sa naisip mo. Akalain mo, maaari nga palang magkasama tayo sa canvas.’’

“Mas lalo namang kahanga-hanga na nailarawan mo tayong dalawa kahit na nakatalikod.’’

Napangiti si Mahinhin.

Maya-maya ay may binulong si Robert.

Biglang kinurot ni Mahinhin sa tagiliran si Robert.

“Kung anu-ano ang naiisip mo.’’

“Di ba puwede na ang harap naman natin ang i-paint mo. Ano sa palagay mo?’’

Kinurot uli ni Mahinhin si Robert. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with