^

True Confessions

Nunal (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPAKALAMBOT ng labi ni Mahinhin. Ang matagal nang pinapangarap niyang mahalikan si Mahinhin ay nangyari na. Totoo na. Hindi na pag-iimadyin lamang tulad nang una niyang makita si Mahinhin noon sa Pugad-Uwak. Matagal niyang ina­lagaan sa dibdib ang pagtatangi kay Mahinhin. Akala niya, hindi magkakaroon ng katuparan ang lahat ng kanyang pangarap. Mali pala siya. Narito na at kapiling ang babaing mahal mahal niya.

Siniil pa niya ng halik si Mahinhin. Ahhh, wala na siyang mahihiling pa nga­yon. Talagang sa kanya na si Mahinhin. Wala nang makakaagaw pa. Kung may magtatangkang umagaw, hindi siya papayag.

Tinanggap ni Mahinhin ang pagsiil niya ng halik. Nakipaglaban ito. Mainit na mainit ang labi ni Mahinhin. Sino ba ang mag-aakalang ang babaing halos sambahin niya noon sa Pugad-Uwak ay makakahalikan niya. Talagang pawang sa pangarap lamang niya dinudrowing ang lahat. Sa pangarap lang talaga. At napatunayan din niya na kung ano ang iyong gustong mangyari, matutupad iyon kung gugustuhin.

Niyakap na niya si Ma­hinhin. Napakalambot ng ka­tawan. Naimadyin uli niya ang pagsasayaw ni Mahinhin sa Pugad-Uwak. Marahan muna sa simula ang pag-indak. Hanggang sa bumilis nang bumilis. Sumabay sa maharot na tugtog ang pag-indayog ng balingkinitang katawan ni Mahinhin. Natatandaan niya, kapag si Mahinhin (Bianca pa ang alyas nito noon) ang nagpe-perform sa stage ay talagang halos hindi humihinga ang mga nanonood. Ayaw nilang may makalampas kahit kaunting sandali sa pagsasayaw ni Mahinhin. At mapapabuntunghininga siya noon kapag nasa tagpong aalisin na ang saplot ni Mahinhin.

Ngayo’y hindi na imahinas­yon lamang ang lahat. Yakap-yakap na niya ang babaing sinasamba noon sa Pugad-Uwak. Sa lahat ng mga la­laking nanonood noon ay siya pala ang magiging masuwerte. Siya pala ang magiging mapalad. Salamat at naging matiyaga siya sa paghahanap sa babaing ito na ang naging atraksiyon din sa kanya ay ang nunal sa likod ng tuhod. Dahil sa nunal na iyon kaya siya naakit nang husto. Iyon ang una niyang nakita nang nagsasayaw ito sa Pugad-Uwak.

“Mahal na mahal kita Ma­hinhin!’’

Bulong niya rito makaraang siilin ng halik.

“Mahal na mahal din kita, Robert.’’

“Hindi na tayo magkakahiwalay pa.’’

“Oo. Hindi ako aalis pa.’’

“Ipaplano na natin ang lahat.’’

“Gusto ko pakasal na tayo.’’

“Oo, Mahinhin. Yan ang susunod nating gagawin.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with