PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (82)

UMALIS na ang tatlong tauhan ng drug lord na si Tsekwa. Iniwan na nila si Anto na inakalang patay na dahil sa matinding bugbog. Ang hindi alam ng tatlo, nagpatay-pata­yan lang si Anto.

Nang inaakala ni Anto malayo na ang tatlo, da­han-dahan siyang kumilos. Hirap na hirap siya. Masakit ang buong katawan niya dahil sa ma­tinding bugbog. Kung hindi siya nagpatay-patayan kanina, baka tinulu­yan na siya. Hindi pa niya siguro oras na mamatay dahil mayroon pa siyang mahalagang sasabihin kay Robert ukol sa drug lord na si Tsekwa at kay Mahinhin alyas Bianca.

Pinilit ni Anto na gumapang palabas ng ba­hay. Kailangang makarating siya sa may poso ng tubig sa di-kalayuan. Madalas na may umiigib doon at maaaring matulungan siya.

Hirap na hirap siya bago nakarating sa may poso. Nakakubli siya sa baha­ging damuhan. Walang um­i­igib. Pero hindi siya nasi­raan ng loob. Tiyak na may darating at matutulungan siya. Mabubuhay siya at masasabi ang mga nalalaman ukol sa drug lord na si Tsekwa.

Nang unti-unti nang nanlalabo ang paningin ni Anto, isang lalaki na may dalang mga timba ang dumating.

Gumawa ng ingay si Anto para makita ng lalaki.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakita siya ng la­laki.

“Anto! Anto! Anong nangyari?’’

Pero nawalan na ng malay si Anto.

Tinulu­ngan siya ng lalaki.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: